Monday, 17 December 2012

"friend"

Para sa'yo, kaibigan.
Wag ka na magtaka kung maging cold ako sa'yo. Oo, alam kong wala ka namang malay sa mga implications ng mga ginagawa mo sa akin. Still, that doesn't change things. Nakakapang-tampo lang. Kung kelan kita kailangan, saka ka nawala. At yung ginawa mo pa ay saliwa sa mga gusto mo talagang gawin. Napaka-hypocrite mo naman. Walang isang salita. Nagulat na lang ako, ganon na gusto mo gawin. Tutal, ganyanan na lang din naman tayo, eh di magiging ganyan na lang din ako balang araw. Alam kong masama tong iniisip ko, or kung ano man tong ginagawa ko ngayon. Pero di mo kasi alam. Nang-iwan ka. Iniwan mo ko kung kailan kailangan ko ng makakasama. Galing diba. As I have mentioned somewhere dito sa blog ko, ayaw na ayaw kong naiiwan ako. Now, I just have to prove that I can be better kahit wala ka. Madami pa namang tao sa mundo, hindi lang ikaw. Wag ka na magtaka kung maiiba ang pakikitungo ko sa'yo. Or maybe wala namang mag-iiba, pero andon na yung ibang nararamdaman ko towards you. Di na maaalis yon. Bahala ka sa buhay mo, friend. :)

No comments:

Post a Comment